-- Advertisements --

Nasa West Philippine Sea na ang low pressure area (LPA) na una nang naghatid ng halos maghapong ulan nitong weekend sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 280 km sa kanluran ng Subic, Zambales.

Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at ilang pang parte ng Mindanao.

Dahil sa paglayo ng LPA, inaasahang magkakaroon ngayong araw ng maalinsangang panahon.