-- Advertisements --

Patuloy na magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon ang isang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ito kahit papalayo na ang naturang namumuong sama ng panahon.

Huli itong namataan sa layong 520 km sa silangan ng Basco, Batanes.

Malabo naman itong maging bagyo dahil sa mga nakakaapektong weather system.

Kabilang sa mga lugar na magkakaroon ng paminsan-minsang buhos ng ulan ang Abra, Apayao, Kalinga at malaking parte ng Northern Luzon.