-- Advertisements --
Lalo pang lumapit sa lupa ang binabantayang low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang naturang namumuong sama ng panahon sa layong 445 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Kahit malayo pa sa lupa, umaabot naman ang extension nito sa ilang bahagi ng bansa.
Kabilang na rito ang Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Davao region.
Babala ng Pagasa, lalo pang lalakas ang mga pag-ulan hanggang bukas, dahil pa rin sa namumuong sama ng panahon.
Maliban dito, ang ibang parte ng Pilipinas ay makakaranas naman ng mga biglaang ulan dahil sa localized thunderstorm.