-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa sa posibleng malakas at biglaang pag-ulan ngayong weekend sa ilang bahagi ng ating bansa.
Bunsod umano ito ng namataang low pressure area (LPA) sa layong 155 km sa kanluran hilagang kanluran ng Zamboanga City.
Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) o nagsasalubong na hangin at nagdadala ng makapal na ulap.
Nakakaapekto ito mula sa Southern Luzon, Visayas at hanggang sa Mindanao.