Isinisi ng ilang party-list congressman sa Commission on Elections (Comelec) ang dahilan kung bakit mababa ang bilang ng mga botanteng bumoto sa sektor ng mga partido nitong kakatapos lang na halalan.
Sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts, kinuwestyon ni AKO-Bicol Cong. Alfredo Garbin Jr. ang information campaign ng Comelec bago ang eleksyon.
Ito’y matapos ibunyag ni Minority leader Danilo Suarez na 27-milyong boto lang ang natanggap ng party-list groups mula sa 63-milyon na bilang ng mga rehistradong botante.
Katumbas ito ng 43-percent na mas mababa mula sa 46-.5-percent turn out noong 2016 elections ayon sa Comelec.
Bukod dito, hindi rin naniniwala ang mga mambabatas sa kredibilidad ng nagdaang eleksyon dahil sa mga naranasang aberya gaya ng pitong oras na technical glitch at higit 1,000 secured digital cards na pumalya.
“Despite being the fourth automated elections, it was failed by dangerous problems such as the delay in the delivery of supplies and equipment,” ani Suarez.
Sa kabila nito, nilinaw ni Comelec spokesperson director James Jimenez na nagpapatuloy ang forensic investigation ng kanilang tanggapan kaya maaga pa para masabing minanipula ang 2019 midterm elections.
“If this was manipulated, it could easily be discovered, as the data are supported by hard copies at the precinct level.â€










