Itong binabantayan aktibong Low Pressure Area (LPA) magdamag sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa silangan umano ng Juban, Sorsogon, isa na ngang ganap na bagyo at pinangalanang bagyong Rosal.
Itong si rosal ay posibleng maapektuhan nito ang mga lugar sa CALABARZON, CENTRAL LUZON, MIMAROPA, Bicol Region, at sa may Visayas.
Ang sentro ng tropical depression Rosal, base sa monitoring ng Bombo Radyo weather center ay 110 km north northeast ng Virac Catanduanes o 315 km east ng Infanta, Quezon.
At may paggalaw ito ng northwestward na 20km/h.
At may maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa sentro at pagbugso na aabot ng 55 km/h.
Kabilang sa mga lugar na signal number 1 ay ang Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Tigaon, Sagñay), at eastern portion of Albay (city of Tabaco, Bacacay, Rapu-rapu, Malilipot, Malinao, Tiwi)
Sa ilalim ng mga kundisyong ito, inaasahan ang pagbaha at pagguho ng lupa na dulot ng ulan, lalo na sa mga lugar na mataas o lubhang madaling kapitan ng mga panganib na ito tulad ng natukoy sa hazard maps at sa mga lokal na may paunang pag-ulan.
Sa ngayon hanggang sa loob ng 24 oras ay mayroon na rin tayong nakataas na gale warning sa may sea boards ng Northern Luzon.
Kaya naman pagbilin sa mga kababayang mangingisda at yaong mga gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat kagaya ng mga bangka ay huwag munang pumalaot.