-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng mga pag-ulan at posibleng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa dahil sa namataang low pressure area (LPA).

Natukoy ang sentro nito sa layong 365 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na umaabot sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Namataan ang makapal na ulap na maaaring magdulot ng malalakas na ulan sa Visayas, Bicol Region, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Palawan, Quezon at Aurora.