-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang isa na namang low pressure area (LPA).

Ayon sa Pagasa, nasa loob na ito ng Philippine area of responsibility (PAR).

Nitong Martes ng hapon, namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 1,085 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong lumakas bilang bagong bagyo.