-- Advertisements --
Inaalerto ng Pagasa ang mga residente ng Visayas at Mindanao dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).
Ang nasabing LPA ay inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan at posibleng baha.
Huli itong namataan sa layong 695 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na umaabot sa southern section ng Mindanao.
Sa ngayon, maliit pa ang tyansa ng LPA na lumakas bilang ganap na bagyo.