-- Advertisements --
Wala nang epekto sa ating bansa ang low pressure area (LPA) na unang namataan sa may Bicol region.
Ayon sa ulat ng Pagasa, nalusaw na ito, matapos tumawid sa Luzon landmass.
Gayunman, makakaranas pa rin ng ulan ang ilang parte ng bansa, dahil sa localized thunderstorm.
Ramdam din ang hanging amihan na nagdadala ng malamig na hangin sa Northern Luzon, lalo na kapag madaling araw.