
Nadiskubre ang low-level contaminants o polycyclic aromatic hydrocarbons, chemicals mula sa fish samples na nakuha sa mga lugar na apektado ng tumagas na langis sa Oriental Mindoro na mapanganib sa kalusugan ng mga tao at iba pang living organisms.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lumalabas sa kanilang preliminary findings ang mga bakas ng produktong petrolyo partikular na ang langis at grasa mula sa water samples na sinuri.
Sa kabila nito, hindi pa naglalabas ng abiso ang ahensiya sa mga consumer para ipagbawal ang pagkonsumo ng seafood mula sa mga apektadong lugar habang nakabinbin pa ang isinasagawang pagsusuri bagamat nananatiling suspendido pa rin ang fishing activities sa ilang parte ng probinsiya para sa kaligtasan na rin ng publiko.
Tiniyak naman ng ahensiya na agad nilang ilalabas ang resulta sa punliko sa oras na maging available na ang mga data.









