-- Advertisements --

alanlani

Muling binuksan ng pamahalaang lokal ng Taguig ang TLC Village sa Lakeshore na tatawaging “Love at the Park” na magsilbing lugar-pasyalan ng publiko at mga magsing-irog simula kahapon at ngayong araw ng mga puso.

Ayon sa Taguig LGU, tampok at makikita sa park ay ang tinatayang isang milyong makukulay na mga bumbilya o light bulbs gamit ang energy-efficient technology.

Maituturing na kaakit-akit ang parke at mag-eengganyo ng mas romantikong kapaligiran para sa mga magkasintahan na nagde-date at atraksyon din sa mga pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay.

Pinangunahan ng mag-asawa na sina Taguig Mayor Lani Cayetano at Senator Allan Peter Cayetano ang pagbubukas ng Love at the Park.

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, ginawa nila ito upang maiparamdam ang diwa ng pagmamahalan sa bawat isa sa lunsod.

Sa mga bibisita sa Love at tha Park sa TLC Village, ilan lang sa mae-enjoy sa lugar ng libre ay ang naiilawang mga malalaking love art installation, kabilang ang Wall of Roses, heart tunnel, at dagat ng pink at red dandelion, at iba pa.

Bukas ang pasyalan mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi simula ngayong araw February 14,2023 hanggang February 26,2023.

Matatagpuan ang TLC Village sa kahabaan ng Lakeshore Laguna Lake Highway, Brgy. Lower Bicutan, sa Taguig City.

“Your Valentine’s day gimmicks are on us too, as vendors of roses and sweet treats, and artists doing caricatures will be available at the park on February 14. This could also be the perfect time to have that slow dance with your loved one while being serenaded by various musicians,” pahayag ng Taguig LGU.

Samantala, tiniyak naman ni Mayor Cayetano na mahigpit pa rin nila sinusunod ang protocols sa Covid-19 upang maiwasana na magkaroon ng surge.

Inihayag ng Alkalde na regular ang gagawin nilang pag sanitize sa Parke.

“Alam naman natin kapag may mga special na celebration yung mga Pilipino laging una naghahanap saan ba sila puwedeng pumunta at sa hirap ng buhay ngayon, minsan nalilimitahan yung mga pagkakataon mo kasama yung mga mahal mo sa buhay na pumasyal dahil lahat ngayon may bayad kaya dito sa City of Taguig talagang sinisikap natin na itong park natin maibigay at maibukas natin sa ating mga kababayan magagamit nila ng libre kasama ang mga mahal nila sa buhay, ma-enjoy nila yung inihanda nating mga palamuti dito na kung pupunta sila sa mga amusement parks kailangan pa nila magbayad hindi ba kaya naman yan yung ating naging inspirasyon bukod pa sa gusto natin iceleberate ng pagmamahal ng Panginoon sa atin, pagmamahal natin sa ating pamilya, pagmamahal natin sa ating kapwa tao kasi dito sa city of Taguig yung aming tagline ay I Love Taguig,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano.