-- Advertisements --

NAGA CITY – Masuwerteng napabilang ang isang Bicolano sa mga nakakuha ng jackpot prize sa Lotto 9/42.

Sa ipinalabas na anunsiyo ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO), ang mga ticket na nanalo ng tumataginting na P101,321,872.40 ay mula sa Iriga City, Camarines Sur, Davao City, at Davao del Sur.

Ayon sa impormasyon, isinagawa ang draw nitong Sabado, Mayo 8, kung saan nakuha ng mga ito ang winning combination na 15-36-03-24-06-08.

Sa ngayon, kagaya ng mga dating kondisyon, bibigyan ng isang taon na pagkakataon ang mga winner upang makobra ang kanilang napanalunan.