Isang taon pa ang lease deal ng Pacific Online Systems Corp. (LOTO) sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na siyang magpo-provide pa rin ng lottery equipment.
Sa regulatory filing na isinumite ng assistant corporate secretary ng kumpanya na si Jason Nalupta, aprubado na ang one year maximum deal para sa lottery equipment simula kahapon Agosto 1, 2019.
Ang kumpanya ay siyang nagde-develop at nagma-manage sa online computer systems, terminals at software na related sa mga sugal na pinatatakbo ng PCSO.
Ang extension daw sa lease deal ay isang “stop-gap” measure para siguruhing hindi maaapektuhan ang lotto operations ng PCSO.
Maliban dito, ang naturang hakbang ay para na rin sa paghahanda sa procurement o bidding process para sa PCSO lottery system.
Ang pahayag ng kumpanya ay kasunod na rin ng pag-anunsiyo ng Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy na ang operasyon ng lotto matapos ipahinto ng ilang araw dahil daw sa korapsiyon.