Bagamat marami ang may gusto sa long holidays, naniniwala si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na may mixed impact sa ekonomiya ng Pilipinas.
May mga hamon din itong dala lalo na para sa mga Pilipinong na nagsusumikap na maghanap buhay.
Paliwanag ng kalihim na ang ipinapatupad na mandatoryong holidays ng pamahalaan ay may dalang pasakit para sa mga manggagawa na nakadepende sa kanilang arawang sahod dahil wala silang income sa mga araw na ito o ‘no work, no pay’ arrangement.
Sinabi din ng NEDA chief na ang madalas na holidays ay nakakapaglikha ng sense of uncertainty o walang katiyakan sa mga negosyo na posibleng makaapekto sa kanilang investment.
Ayon sa NEDA chief, ang madalas na holidays ay mayroong nakakasamang epekto sa pinanisyal partikular na sa mha indibidwal na nais na magtrabaho ng dagdag na oras para kumita ng sapat na pera.
Ginawa ng opisyal ang naturang pahayag kasunod ng inilabas ng Malacanang nitong Biyernes na opisyal na listahan ng regular holidays at special holidays para sa taong 2024.
Bagamat may positibong epekto aniya ang holidays sa turismo ng bansa, binigyang diin ni Balisacan na ang leisure activities ay mai-enjoy lamang ng mga indibidwal na mayroong pinansiyal na kakayahan sa buhay para makapagbakasyon at makapag-travel.