-- Advertisements --
Napanalunan ng isang lone bettor mula sa Nueva Ecija ang 6/58 Ultra Lotto jackpot na nagkakahalaga ng P366,687,465.20.
Batay sa statement na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning ticket ay nabili sa Brgy San Roque, Cabiao, Nueva Ecija.
Ang winning number combination ay 43-58-37-47-27-17.
Batay sa isinasaad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion or TRAIN Law, ang mga premyong nagkakahalaga ng mahigit sampung libo ay kailangang mapatawan ng 20% na tax deduction.
Paalala ng PCSO sa mga lotto winners na mayroon silang isang taon upang makuha ang premyo. Pagkalipas ng isang taon ay agad itong mapupunta sa kawanggawa sa ilalim ng Charity Fund ng PCSO.