NAGA CITY – Patay ang isang lolo matapos paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Purok Pagkakaisa 2, Batangay Ibabang, Iyam, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Dante Mendoza, 63.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang nanonood ang biktima ng video games sa kanilang kapitbahay nang biglang dumating ang dalawang suspek.

Sa hindi pa malamang dahilan, pinagbabaril ng mga ito ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober sa lugar ang mga basyo ng bala ng caliber .45.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here