-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang pitumput limang taong gulang na lalaki matapos itong pagtatagain ng kaniyang pamangkin sa lungsod ng Alaminos.

Ayon kay PLTCOL. Jerome Wangkey, chief of police ng Alaminos city police station, kinilala ang biktima na si Servillano Purganan, habang ang suspek naman ay si Lolando Tugade Purganan, 53 anyos kapwa magsasaka at mga residente ng Brgy. Amangbangan sa nasabing Lungsod.

Lumabas sa kanilang isinagawang imbestigasyon na nagkainitan ang dalawa matapos na madaanan ng biktima ang ibinibilad na bagong aning na palay ng suspek gamit ang tricycle at dito na umano nagsimula ang kanilang alitan ngunit hindi lamang dito nagtatapos dahil dakong alas singko ng hapon nang muling magtagpo ang dalawa ay bigla na lamang hinarang ang biktima at pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinubukan pa naman umanong isugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan subalit ideneklara na itong dead on arrival.

Pagsasaad pa ng hepe na napagalaman din nila na matagal nang may alitan ang dalawa dahil sa lupa.

Dahil dito agad namang naaresto ang suspek at nakuha dito ang isang bolo na ginamit sa pananaga sa biktima.