TACLOBAN CITY – Patay ang isang lolo matapos na masunog ang bahay nito sa bayan ng Barangay Daja Diot, San Isidro, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Clemente Butal, 65-anyos na residente ng naturang lugar.

Ayon kay SFO2 Marlo Arisa Buranday, officer-in-charge ng Fire Marshal San Isidro Fire Station, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nagmula ang apoy sa loob ng kuwarto ng biktima na sinasabing may problema sa pag-iisip.

Napag-alaman mula sa pamilya nito na tuwing umaatake ang sakit ng biktima ay naglalaro ito ng posporo na tinuturong dahilan ng sunog.

Samantala, aabot sa dalawang bahay ang totally damage habang isa ang partially damage.

Tinatayang P3.5 million ang danyos mula sa sunog.