NAGA CITY -Arestado ang isang lolo sa ikinasang buy bust operation sa Zone 6, Sitio Bagong Sirang Brgy. San Felipe Naga City.

Kinilala ang suspek na si Ronaldo Roy Ancheta 60-anyos.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na aarestuhin sana ng operating team si Ancheta ngunit tumakas ito pumunta sa kanyang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay.

Dahil dito, hinabol ng mga otoridad at doon natagpuan sa silid nito ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang plastic sachet ng dried marijuana leaves na may halong shabu at iba pang mga drug paraphernalia.

Sa ngayon nasa kustudiya na ng mga otoridad ang nasabing suspek para sa karampatang kaso.