BAGUIO CITY – Patay ang isang lola habang sugatan ang apo nito matapos matabunan ng landslide sa Buguias, Benguet.

Kinilala ang lola na si Gloria Rolando Matias, 72, na idineklarang dead on spot.

Ang apo naman nito ay si Ben Rafael Langawan, 10, na nagtamo naman ng sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Ayon kay Mayor Ruben Tinda-an, tulog ang mag-lola nang mangyari ang pagguho ng lupa malapit sa taas na bahagi ng kanilang bahay.

Agad naman daw naka-responde ang magkakasanib na pwersa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management, fire rescue at pulisya.