NAGA CITY РPatay na nang matagpuan ang isang lola sa baybaying sakop ng Barangay Nato, Sag̱ay, Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Hermilia Chebillas, 76-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na pasado alas-9:00 ng umaga nang matagpuang ang kaniyang bangkay sa dalampasigan.

Napag-alamang umalis umano ng mag-isa ang matanda sa kanilang bahay at hindi na nakabalik pa.