-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lola matapos na mabundol ng isang mini-truck sa Brgy. Flordeliz, Milaor, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Marina Otilla –Sabalboro, 77-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) napagalaman na habang tumatawid sa kalsada ang nasabing biktima ng mabundol ito ng isang mini-truck na minamaneho ni Arnie Lomboy, 35-anyos.

Resulta upang magtamo ng mga tama sa ibat ibang parte ng katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doctor.
Samantala boluntaryo namang sumuko ang suspek.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.