-- Advertisements --

LA UNION – Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pananaksak at tangkang pagnakaw sa isang 73-anyos na lola sa Bauang, La Union kahapon dahil sa pag-aakalang nakatanggap ito ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD.

Sa panayaman ng Bombo Radyo La Union sa isang anak ng biktima na si Gloria Runas na nagtamo ng sugat sa kamay at dibdib ang kanilang ina matapos saksakin ng kutsilyo ng hindi pa nakikilalang salarin.

Kumalat sa social media ang litrato ng sugatan na lola na may mantsa pa ng dugo sa kanyang damit.

Napag-alaman na mag-isa lamang ang biktima sa kanyang bahay nang mangyari ang insidente.

Ayon sa anak ng biktima, hindi na nila sa ospital ang kanilang ina dahil masuwerteng hindi naman malubha ang natamo nitong sugat.

Napag-alaman din na may konting problema sa pag-iisip ang naturang biktima, na hindi kasali sa mga nabigyan ng emergency cash assistance sa ilalim ng SAP.