-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng libreng pa-konsyerto ang Pinoy funk-pop band na Lola Amour.
Sa social media account nila ay inanunsiyo ang free concert kasabay ng kanilang ika-9 na taon.
Gaganapin ito sa darating na Mayo 30sa Open Air Auditorium ng Rizal Park.
Kasabay din nito ay ilalabas nila ang kanilang bagong kantang “Misbehave”.
Makakasama nila sa konsiyerto ang bandang Sugarcane, The Ridleys, Alyson at Jan Roberts.
Noong nakaraang taon ng ilabas nila ang kanilang self-titled album kung saan kasama doon ang patok nilang kantang “Raining In Manila”.