-- Advertisements --

Hinikayat na ni Commission on Election (COMELEC) Chairman George Garcia ang bandang Lola Amour na pormal na maghain ng reklamo laban sa kandidato na gumamit ng kanilang kanta ng walang paalam.

Sinabi nito na ang nasabing reklamo ay magiging batayan nila para umusad ang kaso.

Ang nasabing pahayag ni Garcia ay kasunod ng pagbubunyag ng banda na marami ang gumamit ng kanilang kanta ng walang paalam.

Dagdag pa ng banda na wala silang iniindorsong mga kandidato.

Magugunitang nagkaroon ng lagdaan ang COMELEC at ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) na dapat ay ipaalam ng isang kandidato sa composer o singer ng kanta na gagamitin sa kanilang political jingle.