-- Advertisements --
image 228

Refined sugar ang 440,000 metric tons ng asukal na planong angkatin ng Sugar Regulatory Administration.
Sinabi ni SRA Board member Pablo Azcona na hindi sila mag-aangkat ng raw sugar dahil puro raw ang produksyon sa bansa kaya maraming suplay ng raw sugar.
Pirmado na ng SRA ang sugar order at naghihintay na lang ito ng go signal ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na siyang chairman ng SRA Board bilang kalihim ng Department of Agriculture.
Ayon kay Azcona, hinati sa tatlong trances ang import order o dalawang tig-100,000 metric tons at buffer stock na 240,000 metric tons.
Layon nitong mapababa ang presyo ng asukal para sa kapakanan ng consumers at makakuha rin naman ng patas na presyo ang mga magsasaka.
Kung maisasakatuparan, tinaya ni Azcona na bababa ang presyo ng refined sugar sa P85 kada kilo.