-- Advertisements --
SUNOG SA PASAY BRGY 113

Tiniyak ngayon ng Muntinlupa City Local Government ang agarang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng mga naapektuhan ng sunog sa residential area ng Bruger St., Brgy. Putatan, ngayong araw.

Sa ngayon, tuloy-tuloy daw ang lokal na pamahalaan sa isinasagawang assessment ng social services department para sa mga biktima ng sunog.

Ito ay upang magbigay ng agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan nito.

Kahapon nang nagpaabot na rin ng pakikiramay si Mayor Ruffy Biazon sapamilya ng mga pumanaw sa naturang sunog, at nanawagan ito ng dasal para sa mga kaluluwa ng mga pumanaw.

Sa naganap na sunog, 10 indibidwal ang kumpirmadong namatay kabilang na ang isang limang taong gulang na sanggol.

Batay sa ulat ang mga nasawi ay hindi nakalabas sa kanilang bahay.

Ayon kay Fire Supt. Eugene Briones, naganap ang naturang sunog dakong alas-9:02 ng umaga kahapon at naideklarang fire under control bandang alas-9:25 ng umaga.

Sinabi ni Briones, isang bahay lang ang nasunog at ang mga biktima ay magkakamag-anak.

Sa ngayon patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog.