-- Advertisements --

DAVAO CITY – Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Davao ibaba pa ang alert level status mula Level 3 hanggang Level 2.

Ayon pa kay Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser, layunin sa pagbaba ng alert level ay ang patuloy rin na pagbaba ng mga nahawa ng covid-19.

Sinasabi rin ng opisyal na kung mababa ang alert system at maluwagan ang restrictions, mas marami na ang economic activities sa lungsod.

Posible rin ito kung patuloy na tumupad sa minimum health protocols at mas maraming tao ang mababakunahan.

Dahil sa pagbaba ng Covid-19 cases sa buong bansa, nagpatupad na rin ang lokal na pamahalaan ng adjustments sa kasalukuyang health protocols.

Nabatid na mananatili ang lungsod sa Alert Level 3 hanggang sa Nobyembre 14 nitong taon.