-- Advertisements --

Inanunsyo ni Malaysian Prime Minister Muhyiddin Yassin na ieextend nito ang ipinatutupad na lockdown sa bansa na nakatakdang matapos sa March 31.

Sa isang televised address, sinabi ng prime minister na kinakailangan ng Malaysia ang naturang extension para tuluyan nang matapos ang pagkalat ng virus.

Batay sa huling datos ay umabo na ng 1,624 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Malaysia. Ito ang may pinaka-malaking bilang sa buong Southeast Asia.

“You know that this is good for you, your family and the people around you. Your awareness and sincerity in abiding by the rules imposed by the government during this Movement Control Order period is highly commendable,” saad ni Muhyiddin.

Alam din umano nito na hindi magiging madali ang nasabing extension para sa kanilang mamamayan.

“You don’t have to unnecessarily stock up on food because the supply is sufficient. I assure you that food is enough for everybody. I know you feel burdened but I don’t have a choice. I have to extend the Movement Control Order for your own safety,” dagdag pa ng prime minister.

Ipinatupad noong March 18 ang partial lockdown sa Malaysia kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang malalaking pagtitipon-tipon.

Maaari lamang lumabas ang mga Malaysians sa kanilang mga bahay para bumili ng pagkain o di-kaya’s magpunta ng ospital para magpa-check up.

Ang sinomang lalabag sa patakarang ito ay posibleng maharap ng hanggang 6 na buwang pagkakakulong at kinakailangan ding magbayad ng pyansa.

Ayon kay Muhyiddin, tinatayang nasa 95% ng kaniyang nasasakupan ang tumalima sa nasabing patakaran at 110 katao lamang ang nahuli ng mga pulis na lumabag.