KORONADAL CITY – Muling ipapatupad ang lockdown sa bansang France kasunod ng muling pagdami ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang bansa.
Ayon kay Jay-Ar Balico, isang OFW sa naturang bansa at tubong Ilocos Norte, ito’y matapos binawi ang ban noong Lunes kaya dumagsa ang mga tao dahilan na tumaas rin ang mga kaso.
Pinangangambahan rin ng French government ang second wave kasunod ng nangyari.
Maliban dito, inihayag nitong 12 Pinoy na ang nasawi doon dahil sa naturang pandemya.
Dagdag ni Balico, mahigpit rin ang pagpapatupad ng quarantine protocols kung saan maaaring maparasuhan ang lalabag ng multang 5000 euros at pagkakakulong.
Ngunit ibinahagi nito na hindi naman sila pinapapabayaan ng pamahalaan doon kung saan ay araw-araw silang binibigyan ng tig-isang facemask.
Nagbukas na rin ang mga paaralan ngunit mahigpit pa rin ang pagpapairal ng preventive measures.