Nagdeklara ang North Korea ng “major national emergency” matapos na maitala ang unang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Bagamat hindi na binanggit pa ng state media ng North Korea at sinabi na lamang na isang uri ng Omicron variant ang nadiskubre sa Pyongyang.
Nadiskubre lamang ito matapos ang sumailalim sa COVID-19 testing ang ilang katao noong Mayo 9 at nagpositibo ang mga ito sa Omicron variant.
Isa ngayong malaking hamon sa bansa ang pagdami ng kaso ng COVID-19 dahil umano sa pagkakaroon ng mahinang health care system nila.
Nauna ipinagmalaki ng North Korea na hindi sila dinapuan ng coronavirus noong ipinatupad ang COVID-19 pandemic ang buong mundo.
Ipinag-utos na rin ni North Korea President Kim Jong Un ang pagpapatupad ng lockdow sa lahat ng mga lungsod at ang pamamahagi ng mga gamot sakaling tumaas pa ang kaso ng COVID-19.
Tiwala din ito na malalampasan ng North Korea ang nasabing COVID-19 outbreak.