CAUAYAN CITY – Magbubukas na ang mga non-essential shops, cinema at theaters sa Sabado, nOVEMBER 28, 2020 pagkatapos ng muling pagpapatupad ng lockdown bunsod ng COVID-19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Mylene Gonzales, isang OFW sa Parish, France na simula sa sabado ay magbubukas na ang mga non-essential shops pero ang operasyon ay hanggang alas nuebe lamang ng gabi.
Bukod dito ay papayagan na ring magbukas ang mga cinema at theaters sa natura ring araw.
Sa kabila nito ay mahigpit pa rin ang pagpapatupad ng mga panuntunan kung saan maraming pulis ang nakakalat para matiyak na lahat ay sumusunod.
Aniya, aasahang magtatapos ang national lockdown sa naturang bansa sa Disyembre 15, 2020 subalit nakadepende pa rin ito sa maitatalang kaso ng COVID-19.
Sa pagpapatupad kasi aniya ng muling lockdown ay mabagal ang pagbaba ng kaso ng virus.
Sinabi pa ni Ginang Gonzales na sa January 20, 2021 ay bubuksan na rin ang mga bar at gym.
Dagdag niya na sa December 24 at December 31, 2020 ay wala munang lockdown at curfew para sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.