-- Advertisements --

Inaprubahan ng South Korea para magamit na ang sarili nilang gawang COVID-19 vaccine na SKYCovione.

Ang nasabing bakuna na gawa ng SK Bioscience Co. ay gagamitin bilang booster shots laban sa COVID-19 na dagdag sa mga unang nagpaturok ng bakuna.

Ang nasabing desisyon ay inanunsiyo ni Second Vice Health Minister Lee Ki-il sa ginawang pagpupulong ng Central Disaster and Safety Countermeasure Headquarters.

Simula Setyembre 26 ay papayagan ang mga pagamutan at clinics na magturok ng SKYCovione vaccines bilang third at fourth vaccination.

Una ng sinabi ng Infectious Disease Research ng South Korea na kaya nilang ma-neutralized ang mga BA.1 at BA.5 coronavirus omicron subvariants kapag gumamit ng dalawang bakuna.