-- Advertisements --

Ipagpapatuloy pa rin ang localized peace talksa mga komunistang rebelde sa ilalim ng Marcos administration dahil napatunayan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na mas epektibo ito kumpara sa dating estratihiya na national peace talks.

Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., head ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, naging epektibong hakbang ang localized peace engagement (LPE) sa pagresolba ng mga isyu sa pagitan ng gobyerno at ng communist rebelas.

Giit ni Galvez na halos lahat ng front commanders ay sumuko na at mayroong localized peace engagement na nagbibigay kapangyarihan sa mga alkalde t gobernador.

Ginawa ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity ang naturang pahatyag matapos na magdesisyon ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na irekomenda kay Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapatuloy ng national peace talks as Communist rebels.

Samantala, base sa data mula sa Department of National Defense, nasa 26,414 communist rebels na ang sumuko as of May ngayong taon.

Mayroon dinmg 47 mula sa 81 guerilla fronts ng NPA na nagooperate sa bansa ang neutralized na.