Aminado si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na epektibo ang ginawa nilang containment protocol kung saan inilagay ang ilang barangay sa ilalim ng localized lockdown at mahigpit na implementasyon ng health and safety measures.
Sinabi ng alkalde na nakakita sila ng biglang pagbaba sa naitatalang COVID-19 cases sa lungsod sa loob ng nagdaang linggo.
Mula raw asa avergae na 100 kaso kada araw ay bumaba na ang impeksyon na naitatala ng Pasay sa pagitan ng 60 hanggang 80 pasyente kada araw.
Handa umano silang sumunod kung sakali man na ipag-utos ng Inter-Agency Task Force na ilagay ang buong Pasay sa mas mahigpit na community quarantine, subalit dahil travel hub ang naturang lungsod ay nangangamba ito na baka maapektuhan ang buong Metro Manila.
Ginawa ni Mayor Calixto-Rubiano ang pahayag kasunod ng ipinakitang suporta sa kaniya ni Foreign Secretary Teddyboy Locsin sa mga inisyatibo nito para kontrolin ang pagkalat ng nakamamatay na virus.
Hiniling naman ng alkalde na payagan itong ipagpatuloy ang pagpapatupad ng containment protocol sa pamamagitan ng localized o granular lockdowns ng mga barangay na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.
“Tingin ko ay epektibo naman po ang ginagawa naming ito sapagkat napipigilan naman po ang pagkalat ng virus,” dagdag pa ni Mayor Emi.
Samantala, inihayag ni Dr. John Victor de Gracia, deputy chief ng clinical service sa Pasay City General Hospital sa naging panayam nito sa Bombo Radyo na sapat pa ang pasilidad ng naturang ospital para tumanggap ng COVID cases.
“Para sa Pasay City po, I have 67% occupancy sa COVID wards. So that is around 30 patients out of 49 beds so that is already 67% of occupancy po,” saad ni Dr. de Gracia.
“Para naman sa side ng local government ng Makati sapat pa ito and may contingency pa naman kami kung kailangan magdagdag ng ilang beds kung sakali na maabot ‘yung threshold,” ani Dr. de Gracia.