Sinisimulan na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa pag-streamline ng mga proseso para sa local travels.
Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, lumagda na sila ng Joint Memorandum Circular (JMC), kasama ang iba pang ahensya ng pamahalaan, para magkaroon ng sistema ang pagdodokumento ng mga byahe.
Malaki umano ang pakinabang nito kapag may mga kumakalat na sakit, para sa contact tracing.
Sa pagbuo ng JMc, ang paggamit ng S-PaSS na isang travel management system ay mai-institutionalize na rin ang one-stop shop application at communication para sa mga lokal na paglalakbay.
Nabatid na ang sistema ay binuo ng Department of Science and Technology (DOST).
Layunin nitong ma-monitor ang ligtas na byahe, para sa locally stranded individuals (LSIs), ganun din sa returning overseas Filipinos (ROFs), emergency travelers (ETs) at iba pang mga kahalintulad na aktibidad.