Hindi pa matukoy sa ngayon kung mayroon ng local transmission ng monkeypos virus sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng pagkakatala ng ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa kahapon na isang 25 anyos na Filipino national na walang travel history mula sa mga ibang bansa na nakapagtala na ng kaso ng monkeypox.
Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, kasalukuyan pang nagsasagawa ng back tracing ang kagawaran ang source of infection o kung paano nahawa ang naturang pasyente.
Sa ngayon, nasa isang isolation facility ang pasyente habang natukoy naman ang 14 na close contacts nito.
Samatala, nakikipag-usap na rin ang DOH sa dalawang monkeypox vaccine manufacturers para sa pagtanggap ng unang doses ng bakuna laban sa naturang sakit.
Ayon kay Vergeire, tinatrabaho na ng pamahalaan ang makakuha ng monkeypox vaccine ang bansa bago matapos ang kasalukuyang taon. Aniya, may isa ng manufacturer ang nangakong magbibigay sa bansa ng naturang bakuna sa unang bahagi ng taong 2023.
-- Advertisements --