Maging ang ilang local chief executives ay hindi na rin napigilang punahin ang itinutulak ng DILG na “no vaccine, no ayuda policy.”
Ilan sa mga pumalag dito sina Navotas City Mayor Toby Tiangco, Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi at maging si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.
Para kay Escudero, mistulang naghahanap ng legal trouble ang sinumang nagpupursige ng ganitong polisiya.
Payo ng dating senador, mas makabubuting magbigay ng incentives para sa mga vaccinated, kaysa harangin ang ayudang nakatakdang ipamigay sa pamamagitan ng programa ng pamahalaan.
Ipinaalala pa ng mga opisyal na sa ngayon ay Emergency Use Authorization (EUA) pa lamang ang hawak ng vaccine manufacturers, kaya hindi ito maaaring ipagpilitan sa mga tao, lalo na kung may basehan ang kanilang pagtanggi sa available na bakuna.