-- Advertisements --

Hindi na magpapatupad ng grace period ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa loan payments sa harap nang ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manil at apat na karatig probinsya, pero hinimok ang mga bangko na magbigay ng relief sa mga uutang.

Sinabi ng central bank na ang 30-day grace period na naunang ipinatupad ay napaso na kasabay ng Bayanihan to Heal As One Act noon pang Hunyo 1, 2020.

Hindi na rin kasi pinalawig pa ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ayon sa BSP.

Gayunman, hinihimok nila ang mga bangko na patuloy na magbigay ng relief measures sa kanilang mga kliyente katulad na lamang nang pag-renew, restructure, o esdtend ng terms ng mga loans, at iba pa, base sa assessment sa kanilang mga cash flows.

Iginiit ng central bank na nagbigay sila ng prudential relief measures sa mga bangko upang sa gayon ay patuloy namang makapagbigay ng financial services at support ang mga ito sa kanilang mga kliyente sa gitna ng COVID-19 crisis.

Matatandaan na nagpatupad ang pamahalaan ng 30-day grace periods sa mga loans na pasok sa Luzon-wide ECQ noong 2020.