Iniatras na ng gobyerno ng Pilipinas ang loan application nito sa state owned na China Eximbank para sa tatlong multi-billion peso railways projects matapos na suspendihin ni dating Finance Secretary Carlos Dominguez III dahil sa kawalan ng aksyon ng naturang bangko ayon sa isang opisyal ng transportation department.
Ayon kay Undersecretary for Railways Cesar Chavez of the Department of Transportation (DOTr), tinitignan ngayon ng Pangulong Bongbong Marcos Jr ang muling pakikipag-negosasyon sa Beijing para makapag-secure ng official development assistance loans dahil walang pera ang gobyerno para pondohan ang nasabing mga proyekto.
Ang tatlong big-ticket railways project na ito ang major legacies ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Build, build, build program.
Ang financing ay para sa kontrata na na-award na saklaw dito ang first package ng Philippine National Railways (PNR) Bicol project, ang Subic-Clark Railway Project (SCRP) at ang first phase ng Mindanao Railway Project (MRP).
Paliwanag ni Chavez na hindi inaprubahan ng Chinese government ang loan applications ng Pilipinas na isinumite mula 2021 hanggang 2022.
Ayon naman sa Department of Finace sa sulat nito sa naturang Chinese bank na kapag hindi inaksyunan nito ang loan applications sa katapusan Mayo ito ay considered withdrawn.
Hindi din nagbigay ang China sa Pilipinas ng shortlist ng subcontractors at consultants para sa proyekto na kinakailangan para sa loan agreement.
Humiling din ang Chinese bank ng 3% interest sa loans na mas mataas ng 0.01% rate charged ng Japan.