Inamin ni John Lloyd Cruz na pinili nitong umawat muna sa mundo ng show business sa gitna ng pagkaubos daw ng kanyang sarili.

Pahayag ito ng 37-year-old actor ngayong balik na uli siya sa “limelight” matapos ang tatlong taon.

“Nakakaubos iyong dine-demand ng ganitong trabaho,” saad nito kay Boy Abunda.

“And bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver iyon kasi wala nang bagong laman iyong utak mo… Wala ka nang maibibigay na tingin ko is worth their time kung sino man yung sumusunod sa’yo. Kumbaga nakakahiya na lang din.”

Bakas naman na inspirasyon nito ang anak nila ng sexy actress na si Ellen Adarna.

Nabatid na nananatiling mabuting magulang sina Lloydie at Ellen sa kanilang two year old son kahit hiwalay na.