Mistulang nakapagdiwang na ng Mother’s Day ang aktres na si Lourna Jane “LJ” Reyes.

Ito’y bagama’t sa araw pa ng Linggo, May 12, ang espesyal na araw para sa mga nanay, ngunit natanggap na nito ang simpleng regalo mula sa walong taong gulang na panganay na anak.

Kaagad ibinida ng 31-year-old actress ang larawan nila ng anak habang nasa beach, kung saan hawak nito ang box na naglalaman ng chocolate at bulaklak.

“I don’t know if you can see it but he wrote on the box I LOVE YOU MOMMY! Happy Mother’s Day indeed!” ani LJ.

Una nang inamin ni LJ ang mga hirap bilang single mom sa anak nila ng dating celebrity boyfriend na si Paulo Avelino.

Gayunman, “good kuya” naman ito sa pag-aalaga sa four-month-old baby na kanyang anak sa bagong kasintahan na si Paolo Contis.