-- Advertisements --

Hindi pa rin makalimutan ng rapper-singer na si Lizzo ang kaniyang karanasan matapos tugtugin ang isa sa pinakalumang flute.

Ginamit nito ang crystal flute na ginawa ng French craftsman para kay President James Madison noong 1813.

Kuwento ng singer na labis itong kinakabahan habang nasa stage sa concert nito sa Capital One Arena sa Washington.

Mula pa kasi noong ito ay nasa fifth grade ay nag-aaral na siyang tumugtog ng flute at nag-aral din sa Paris Conservatory.

Maraming mga fans nito nanood ng concert ang namangha at humanga sa pagtugtog ni LIzzo.