-- Advertisements --

Pinahiya ng Lithuania ang USA Basketball Team 110-104 sa nagpapatuloy na 2023 FIBA Basketball World Cup nitong Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Nanguna sa panalo si Jonas Valanciunas na nagtala ng 12 points at pitong rebounds.

Sa simula ay dominado ng Lithuania ang laro kung saan umabot pa sa 21 points ang kanilang kalamangan sa first half.

Hindi na nakalamang pa ang USA basketball team hanggang sa huling segundo ng last quarter.

Nasayang naman ang nagawang 35 points ni Anthony Edwards para sa Team USA.

Susunod na makakaharap ng Lithuania ang Serbia habang ang US ay makakaharap ang Italy sa susunod na round sa Setyembre 5.