-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng Lithuania ang Slovenia 100-84 para sa classification round ng 2023 FIBA Basketball World Cup na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Nanguna sa panalo ng koponan si Jonas Valanciunas na mayroong 24 points at 12 rebounds habang mayroong 15 points si Ignas Brazdeikis habang si Mindaugas Kuzminskas ay mayroong 14 points.
Sa simula pa lamang ay dominado ng Lithuania ang laro kung saan hawak nila ang double digit na lamang 33-21 sa pagtatapos ng unang quarter.
Pagpasok naman ng second quarter hanggang third quarter ay nailapit ng Slovenia ang puntos subalit hindi pa rin sila nakalamang.
Dahil sa panalo ay makakaharap nila ang Latvia para paglabanan ang ikalimang puwesto na gaganapin sa araw ng Sabado.