-- Advertisements --

Pinangunahan ni naturalized player Justin Brownlee ang 28-man na isinumite ng Gilas Pilipinas sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na pagpipilian na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games (SEA Games) sa Cambodia sa Mayo.

Bukod kay Brownlee nasa listahan ang mga Gilas veterans na sina June Mar Fajardo, CJ Perez, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Roger Pogoy, Poy Erram, Calvin Oftana, Chris Newsome, Raymond Almazan, Kevin Alas at Marcio Lassiter.

Ang nasabing 28-man pool ay mababawasan habang papalapit na ang SEAGames.

Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas president Al Panlilio na ang mayroong malakas na line up ang Pilipinas at kayang mangibabaw ang bansa sa larong basketball sa SEA Games.