-- Advertisements --

Kinalampag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga lokal na pamahalaan na tapusin na ang pamamahagi ng unang tranche ng emergency cash assistance sa mga target beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa isang virtual presser nitong hapon, sinabi ni DSWD Usec. Rene Glen Paje na ito ay para maiwasan ang aberya sa pagbibigay ng P5,000 hanggang P8,000 sa susunod na buwan.

Pitong araw bago matapos ang Abril, sinabi ni Paje na P27.9 billion pa lang sa P100-billion first tranche ng SAP ang naipahatid sa mahigit 5.7 billion na benepisyaryo.

Malayo pa ang naturang bilang kung ikumpara sa 18 million low-income Filipino na hangad tulungan ng pamahalaan sa ilalim ng naturang programa.

Igininiit ni Paje na sa oras na wala pang maisusumiteng liquidation report ang mga LGUs, hindi ibibigay ng DSWD ang alokasyon naman para sa buwan ng Mayo.