-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pahirapan na ang linya ng komunikasyon ngayon sa ilang bahagi ng lalawigan ng Sorsogon habang papalapit ang bagyong Ursula.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Department of Social Welfare and Developmenmt (DSWD) Bicol director Arnel Garcia na nakakaranas na sila ng hirap sa pag-contact sa ilang tanggapan at serbisyo sa probinsya tulad ng Matnog port.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang ahensya sa Philippine Ports Authority at nakatakdang magpadala ng mga tauhan upang maipaabot ang pangangailangan ng mga stranded na pasahero.

Magpapadala rin daw si Sorsogon Gov. Chiz Escudero ng apat na 10-wheeler trucks para sunduin ang 4,000 family food packs na iaabot sa 11,000 na mga pasahaero sa pantalan.

Siniguro ng opisyal na walang magugutom sa mga stranded na pasahero dahil magkakasya ang isang family pack sa loob ng dalawang araw para sa isang pamilya na may limang miyembro.