Muling nagpaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magpapatupad ang mga ito ng limited at no-fly zones sa Batasang Pambansa Complex sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 22.
Ayon sa CAAP, nagsimula na ang no fly zone noong Biyernes July 20 at magtatagal ito hanggang July 23, araw ng Martes.
Sa advisory, sinabi ng CAAP na ang kanilang hakbang ay para siguruhin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa pagbubukas ng 18th Congress at ika-apat na SONA ng Pangulo na isasagawa sa House of Representatives.
Sinabi ng CAAP na ang no fly zone ay sisimulan dakong alas-2:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi sa loob ng 4-nautical mile o halos 7.4 kilometers radius sa surface at 10,000 feet sa Kamara de Representantes.
Maging ang mga training flights sa Luzon flying schools ay suspendido rin mula alas-12:00 ng July 22 o sa Lunes hanggang alas-12 ng madaling araw ng July 23, Martes.